Language: 繁體中文 | English | Español
Ang dementia ay sakit na nagdudulot ng pagbabago sa memorya at/o mga sa pag-iisip na aapektohan ang araw-araw na kabuhayan ng tao. Hindi ito bahagi ng normal na malusog na pagtanda.
Ang dementia ay isang termino para sa anumang malubhang sakit na nagdudulot ng pagbabago sa memorya at/o mga pag-iisip na nagiging apektado ang kabuhayan sa araw-araw ng isang tao (pagmamaneho, pamimili, pag-asikaso ng checkbook, pagtatrabaho, o pakikipag-usap etc.). Maraming uri ang dementia, ngunit ang kadalasan nakikikita sa mga tao ay ang Alzheimer’s Disease (AD). Karamihan sa dementia paunti unti nawawala ang memorya sa takbo ng panahon at apektado ay ang pag damage sa nerve cell sa utak, na tinatawag natin neurodegeneration. Ang mga sintomas ng dementia ay nagiiba iba sa bawat tao at ito ay kadalasan apektado ang memorya at may kasamang maaaring pagbabago ng mood o kahirapan sa paglalakad, pagsasalita, o madali malito sa direksiyon. Bagama't maaaring kabilang sa dementia ang pagkawala ng memorya, ang pagkawala ng memorya mismo ay hindi nangangahulugang mayroon kanang dementia. Itinuturing na bahagi ng normal na proseso ng pagtanda ang ilang bahagyang pagbabago sa kognisyon, pero ngunit hindi sa dementia.
Ano ang Sanhi ng Dementia?
Hindi matukoy ang sanhi ng dementia sa maraming kaso. Patuloy ang pananaliksik para mas maunawaan kung ano ang sanhi ng dementia, ngunit ipinapalagay na ang batayang mekanismo ay nauugnay sa akumulasyon ng mga protina sa utak na nakakasagabal sa paggana ng utak. Ang mga sakit na neurodegenerative, tulad ng frontotemporal dementia, ay humahantong sa abnormal na akumulasyon ng protina sa utak. Makikita ang iba't ibang pamumuo ng mga protina sa iba't ibang uri ng dementia. Halimbawa, ang mga protinang tinatawag na beta-amyloid at tau ay nauugnay sa Alzheimer's disease habang ang protinang alpha-synuclein ay nauugnay sa Lewy body dementia. Ang mga pagbabago at paghihina sa takbo ng dugo sa utak ay maaaring magresulta sa vascular dementia. Sa minoridad ng mga kaso, maaaring matukoy at magamot ang sanhi ng dementia. Ang pag-screen sa mga bagay na problema sa memory ay kasama ang pagamit ng diyagnostikong ebalwasyon para sa sinoman sa mga taong naninibago sa isip.
Ano ang Kaugnayan ng Edad sa Dementia?
Ang edad ang pinakamalaking risk factor ng dementia. Nagiging mas karaniwan ang dementia habang tumatanda na mga tao, bagama't hindi ito nangangahulugan na bahagi ng normal na pagtanda ang dementia. Ang dementia ay sakit na nakakaapekto sa hanggang 40% ng mga taong mahigit 85 taong gulang.
Ano ang Nangyayari sa Dementia?
May iba't ibang sintomas ang mga taong may demensiya, depende sa uri at yugto ng kanilang partikular na dementia. Nakadepende ang mga sintomas sa bahagi ng utak na apektado ng sakit, at maaaring magbago ang mga ito sa paglipas ng panahon habang lumalala ang sakit at nadadamay ang iba't ibang bahagi ng utak. Karaniwang target ng iba't ibang uri ng dementia ang iba ibang mga partikular na bahagi ng utak. Halimbawa, ang bahagi ng utak na mahalaga sa pagbuo ng mga bagong memorya ay kadalasang apektado ng unang yugto ng AD, kaya madalas na isa sa mga unang sintomas ng AD ang pagkawala ng panandaliang memorya. Kabilang sa iba pang mga karaniwang sintomas ng dementia ang mga problema sa komunikasyon, pagpaplano at organisasyon, nabigasyon, mga pagbabago sa personalidad, at maaring magkaroon ng sintomas sa pag-iisip o emosyon tulad ng depresyon, pagkabalisa, delusyon, at guni-guni.
May mga Gamot ba sa Dementia?
Wala pang lunas sa dementia, ngunit may mga gamot na makatutulong sa paggamot sa ilang sintomas ng dementia. May mga gamot na maaaring mapabuti ang memorya sa isang yugto ng panahon. May mga gamot din mabisa sa paggamot sa mga mood disorder, tulad ng pagkabalisa at depresyon, na karaniwang nangyayari sa mga taong may dementia. Mahalaga ring maingat na suriin ng provider ang anumang gamot na iniinom ng may taong apektado ng dementia, dahil maaaring mapalala ng ilang gamot ang mga sintomas ng dementia.
Anong Ibang pang mga Bagay ang Nakakatulong?
Ipinakikita ng pananaliksik na nakatutulong ang pisikal na ehersisyo para mapaganda ang kalusugan ng utak at mapabuti ang mood at pangkalahatang lagay ng katawan. Ang balanse, diyetang mabuti sa puso, tulad ng diyetang MIND (batay sa Mediteranyong diyetang DASH para sa hypertension), at limitadong pag-inom ng alak ay iba pang mahahalagang paraan para sa mas magandang kalusugan ng utak. Ang pagkakaroon ng mahimbing na tulog sa gabi ang isa pang mahalagang komponent ng kalusugan ng utak. Kabilang dito ang pagpapanatili ng isang normal na siklo ng pagtulog/paggising, pagsasagawa ng magandang kalinisan sa pagtulog at paggamot sa mga karamdaman sa mga problemang pagtulog. Nakakatulong sa pagpapanatili ng kalusugan ng utak ang aktibong pakikipag-ugnayan sa ibang tao at pakikibahagi sa mga aktibidad na kasiya-siya at nagpapasigla sa pag-iisip. Dapat ding gamutin, kung mayroon, ang iba pang mga sakit na maaaring makaapekto sa utak, tulad ng diyabetes, mataas na presyon ng dugo, at mataas na kolesterol.